Profile: Nariman a.k.a Putri

Wherever the wind blows :), Singapore
I'm a Jack of all Trades. But a Master of None. However, my primary passion is in Teaching. I'm very expressive with my emotions .... hence ... I'm no good in a poker game :) Love all the romanticism that life can offer. Love my family, my one and ONLY. Last but not least my surrogate family my baby Princess and Chomelanggun.

Monday, June 25, 2007

too blessed to be stressed

Too Blessed to be Stressed


O, bakit ka na naman na-i-istress? Did you wake up on the wrong side of
the bed? Meron ka bang deadline na i-bi-beat ngayong araw na ito? It's
important to understand stress before we can effectively manage it kaya
Stress ang pag-uusapan natin ngayon.

Ayon sa mga scientists mayroong dalawang uri ng stress. Eustress and
Distress.
Eustress is positive stress. Ito ang nararamdaman ng isang

dalaga kapag dumarating na ang kanyang manliligaw at may daladalang
flowers. Eustress din ang tawag sa stress na nararanasan ng mga nagwo-
work-out when they are doing their exercises. Ang mga athletes,
pagkatapos na ma-stress ang kanilang muscles, they rest para ma-repair
ang kanilang muscles. Kapag hindi sila nagpahinga, the stressed muscles
will be injured. When injury happens, yan ang distress.

Distress is the negative side of stress. Nakakaramdam ka na ng sakit ng
ulo, pagsakit ng tiyan, hindi na makatulog, di pa makakain. Distress
ang uri ng stress na nagreresulta sa kung ano-anong sakit tulad ng
hypertension, minsan nga ay emotional breakdown pa. Ano ba ang
pwede nating gawin para ang stress natin ay hindi maging distress?
Famous author and inspirational speaker, Dr. John Maxwell has the
following suggestions:

Don't be overly sensitive to criticism. Tanggapin na natin ang
katotohanang hindi natin kayang i-please ang lahat ng tao. Talagang
mayroong hindi aayon sa iyo kahit na napaka-noble ng iyong mga
intentions and motives. So when you receive criticisms, take it
constructively kung sensible ang criticism. If you think the criticism
is not objective, huwag na lang pansinin at ng hindi ka ma-distress.

Don't take too much pride in your achievements. Ang pride ay parang
uling, ginagatungan niyan ang distress. Ang taong proud ay mas lalong
nadi-distress dahil masyado niyang iniingatan ang kanyang achievement
at accomplishment. Minsan nga our achievements hinder us from
growing and learning kasi sinasabi natin sa ating sarili, aba may na-
accomplish na ko. Mas mahusay ako kaysa sa iba, hindi na nila ko
pwedeng turuan. Ang lungkot ng buhay kapag naging ganyang ang
attitude natin.


Don't harbor jealousy over the achievement of others. Ang taong
mainggitin madalas ding madistress, kasi nga totoo namang mayroong
mas higit kaysa sa atin. Natural ang iba ay maaaring magkaroon ng
achievements na wala tayo di ba. Instead of being jealous or envious,
let's learn to rejoice in the successes of others. Malay mo malibre ka
pa bogchi dahil nakikigalak ka sa kanilang tagumpay, di ba?

Don't focus on your weaknesses and inadequacies. Ang sugat kapag
mas lalo mong kinalikot mas lalong lalala at baka maimpeksyon. The more
you focus on your weaknesses and inadequacies the bigger the
tendency of wallowing in self-pity. While it is important to
acknowledge your inadequacies, it is helpful to focus on your strengths and
capabilities.

One effective way of fighting distress is by counting our blessings . 
The good things which life brings. When we have grateful hearts, we will  always be reminded that we are too blessed to be stressed! Someone wrote that "The shortest distance between a problem and a solution is the distance between your knees and the floor.
 
The one who kneels to the Lord can stand up to anything."


Yahoo! Answers - Get better answers from someone who knows. Try it now.

No comments: